Solgen, gustong makulong muli ang mga NDF consultants

By Rod Lagusad February 19, 2017 - 04:48 AM
Jose CalidaDapat muling makulong ang mga consultants ng National Democratic Front (NDF) na binigyan ng pansamantalang kalayaan para makasali sa isinagawang usapang pangkapayapaan sa Norway matapos na kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang negosasyon.

Ayon kay Solicitor General Jose Calida, itinuturing na mga pugante na ang mga NDF consultants matapos kanselahin ang piyansa ng mga ito para sa pansamanatalang kalayaan ng Supreme Court (SC).

Binigyang diin ni Calida na ang una sa apat na kondisyon na itinakda ng SC para sa pansamantalang kalayaan ng mga NDF consultants ay otomatikong kanselado ang kanilang piyansa matapos kanselahin ni Duterte ang naturang peace talks.

Matatatandaang pinayagan ang ilang lider ng makakaliwang grupo na makasama sa isinagawang usapang pangkapayapaan bilang mga consultants ng NDF.

Ang NDF ang kumatawan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa naturang negosasyon sa pamahalaan.

TAGS: communist party of the philippines, CPP-NPA, National Democratic Front, NDF, new people's army, Solicitor General Jose Calida, Supreme Court, communist party of the philippines, CPP-NPA, National Democratic Front, NDF, new people's army, Solicitor General Jose Calida, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.