Isa pang oarfish, inanod sa baybayin ng CDO

inquirer.net file photo
inquirer.net file photo

Inanod ang isang oarfish sa baybayin ng Barangay Gusa sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Jude Cyril Roque Viernes, na nag-post ng mga larawan nito sa Facebook, ang naturang isda ay natagpuang buhay ngunit kalaunan ay namatay din ay may haba na aabot sa 15 talampakan.

Dagdag pa ni Viernes na natatakot ang mga residente sa lugar dahil senyales daw ito na magkakaroon ng lindol sa lugar.

Ayon kasi sa ilang eksperto ang nasabing deep-sea fish ay may kakayahang maradaman ng tremor o pagyanig ng crust ng mundo.

Kauganay nito, sa pahayag ng seismologist na si Kiyoshi Wadatsumi na nailathalala sa Japan Times ang nasabing aquatic creature ay sensitibo sa paggalaw ng mga fault.

Matatandaang ilang araw bago maganap ang magnitude 6.7 na lindol sa Surigao City ay may inanod ding oarfish sa baybayin ng Agusan del Norte.

Read more...