Aniya, hindi naman lingid sa kaalaman ng mga dating nasa pwesto ang kanilang maling mga desisyon na pabor lamang sa kanila.
Sinabi ni Duterte na kumikilos ang kanyang administrasyon na maihahatid sa mga Pilipino ang mga pangunahing pangangailangan, gaya ng pagkain at kalusugan, tubig at kalinisan, matitirahan, kaligtasan, edukasyon, at economic opportunities.
Iginiit ng Pangulo na panahon na para tunay na pagsilbihan na ang mga mamamayan at hindi lamang ang interes ng iilan.
Naniniwala rin si Duterte na magagawa niya sa buong bansa kung anuman ang nagawa niya sa Davao City bilang mayor, nang katuwang ang lahat, lalo na ang militar sa pagprotekta sa sambayanan.