Higit 200 pulis na may mga kasong kinakaharap, ibibiyahe na sa Basilan sa Martes

By Ruel Perez February 18, 2017 - 09:42 PM

pnp1Nakatakda nang ibiyahe patungo ng Basilan sa susunod na Linggo ang higit 200 pulis na may mga kaso na iniharap noon ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Sa panayam kay Bato matapos ang PMA Alumni Homecoming sa Baguio, kinumpirma ni Bato na alas 3 ng madaling araw sa Martes ang biyahe ng mga ito patungo sa Basilan lulan ng C130 ng PAF.

Samantala, malalaman bukas kapag ipinatawag ang mga ito sa accounting kung may nag AWOL sa higit 200 pulis na ipadadala niya sa Basilan.

Kaugnay nito, nakahanda naman ang Police Regional Office ARMM sa pagdating ng mga pulis sa Martes.

Pero ayon kay CSupt. Reuben Theodore Sindac, dadaan muna sa proseso ang mga pulis.

Isang bagay naman ang makatitiyak sa mga pulis na maipapatapon sa Basilan, aniya doon masusubukan ang tapang at tikas ng mga ito.

TAGS: ARMM, Basilan, C130, PMA Alumni Homecoming, Rodrigo Duterte, Ronald "Bato" Dela Rosa, ARMM, Basilan, C130, PMA Alumni Homecoming, Rodrigo Duterte, Ronald "Bato" Dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.