4 na kolektor sa illegal gambling operation sa QC, arestado
Naaresto ng pulisya ang apat na kolektor sa operasyon ng illegal gambling sa Quezon.
Ayon kay Senior Supt. Rhoderick Armamento, Quezon police provincial director, ni-raid ng mga pulis ang isang pasugalan sa Barangay Wakas sa Tayabas City, dakong 5:45 kahapon.
Naaktuhan ang mga suspek na sina Edwin Abadilla, Shirley Abadilla, at Cristmark Parafina na inaayos ang 31 piraso ng form ng pagtaya sa Small Town Lottery (STL). Nasabat din ang gambling paraphernalia at mga nakolektang taya sa sugal.
Sa Lucena City naman, naaresto si Romill Rait habang nangongolekta ng mga taya sa STL sa Barangay Cotta dakong alas-9:00 kagabi.
Hindi nakapagpakita ang mga suspek mg legal na identification cards mula sa Pirouette Gaming Corp., isang lehitimong STL operator sa lalawigan.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9287. Nakaditena na ang mga ito sa Tayabas jail at Lucena jail.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.