DOLE, inilunsad ang hotline 1349 para sa mga anak ng OFWs

dole-logoInilunsad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang hotline na 1349 para sa mga nais i-report ang hindi magandang pagtrato sa anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Inanunsyo ito ni DOLE Secretary Silverstre Bello III matapos lagdaan ang isang memorandum of understanding ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno sa pagprotekta sa mga anak ng OFWs.

Ani Bello, iimbestigahan nila ang mga reklamo, at isasalba ang mga bata kung kinakailangan.

Ang hotline 1349 ay bukas 24 oras.

Read more...