PNP, nakahanda sa direktiba ni Pang. Duterte matapos magpasaklolo sa militar at PNP para labanan ang terorismo
Mandato umano ng PNP na tumulong sa militar para labanan ang terorismo sa bansa partikular sa banta ng ISIS.
Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PMA Alumni Homecoming sa Baguio, nagpapasaklolo ito sa militar at PNP para sugpuin ang terorismo at iba pang lawless elements sa bansa.
Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos sabihin ng pangulo sa kanyang talumpati ang kanyang pagpapasalamat sa mga PMAers dahil sa kanilang ipinakitang suporta sa kampanya kontra droga at kampanya kontra terorismo.
Hindi na rin umano nasorpresa si Dela Rosa sa pag-adopt kay Duterte ng PMAAAI dahil sa noon pa man ay close na ang pangulo sa organisasyon.
Samantala, meaningful naman para kay Dela Rosa ang homecoming ngayong taon.
Ayon kasi sa PNP chief, ito ang unang pagkakataon na dumalo siya bilang PNP chief.
Ito na rin aniya ang huling pagkakataon na aattend siya bilang active member ng PMA dahil sa susunod na alumni ay sibilyan na siya.
Si Dela Rosa ay nakatakdang magretiro mula sa kanyang serbisyo sa Enero sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.