AFP, walang nakikitang banta ng destabilisasyon vs Pang. Duterte

 

Photo by: Ruel Perez
Photo by: Ruel Perez

Walang nakikitang anumang banta ng destabilisasyon ang AFP laban sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni AFP Chief of Staff Brig. Gen Eduardo Año kasunod ng bali-balitang may nagbabalak na patalsikin sa pwesto ang pangulo.

Sa isinagawang PMA Alumni Homecoming sa Baguio City, sinabi ni Año na solido ang suporta ng hanay ng AFP sa pangulo at kontento sa pamamalakad ng pamahalaan.

Wala rin aniyang namo-mo-monitor ang AFP ng anumang grupo na may balak laban sa punong ehekutibo.

Read more...