Ilang traffic volunteers, sisimulan nang i-deploy sa Lunes

By Angellic Jordan February 18, 2017 - 11:14 AM

traffic2
Inquirer file photo

Mahigit-kumulang 3,000 volunteers ang i-dedeploy ng Metropolitan Manila Development (MMDA) mula sa pribadong sektor para sa pagsasaayos ang trapiko sa National Capital Region.

Sa darating na Lunes, limampung volunteers mula sa Civil Defense Action Group (CDAG) at Pureforce and Rescue Corporation ang magsisimula matapos ang kanilang basic traffic management training.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, malaki ang pangangailangan ng traffic enforcers dahil 424 na kalsada lamang ang mayroong traffic signals mula sa mahigit isang libong main intersections sa Metro Manila.

Samantala, ang mga itatalagang volunteers ay mga miyembro ng socio-civic organization na tumutulong sa mga panahon ng sunog.

Bibigyan aniya ang naturang volunteers ng traffic violation tickets depende sa maitatalagang lugar sa kanila.

Nakatakda naman ang pormal na pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng ahensiya, CDAG at Pureforce ukol dito.

Batay dito, magkakaroon ng transport and traffic management seminars, trainings, administer qualifying examinations at legal and medical assistance ang mga volunteers mula sa MMDA.

Gayunman, patuloy pa rin aniya ang pag-monitor ng mga nakatalagang lider kung pasok ang karakter ng mga napiling volunteers.

TAGS: mmda, orbos, traffic enforcers, mmda, orbos, traffic enforcers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.