Mga graduate ng PMA nagpahatid ng suporta kay Duterte

By Den Macaranas February 18, 2017 - 10:55 AM

PMA Duterte
Photo: PTV

Bukod sa certificate of membership bilang adopted member ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1967 ay magbibigay rin ng manifesto of support kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga graduate ng premier military school sa bansa.

Ipinaliwanag ni Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated (PMAAAI) Chairman Anselmo Avenido Jr. na kaisa ang kanilang samahan sa layunin ng pangulo na ibalik ang peace and order sa bansa.

Naging tradisyon na rin sa mga kasapi ng PMAAAI ang pag-imbita sa kanilang homecoming kung sinuman ang bagong pangulo ng bansa sa unang taon ng termino nito.

Kabilang sa mga binigyan ng special membership ng PMAAAI ay ilang mga dating pangulo ng bansa, mga putiko at ilang dignitaries.

Magbibigay rin ng parangal ang PMAAAI sa mga natatanging “cavaliers” mula sa iba’t ibang major serice commands ng Armed forces of the Philippines”.

TAGS: duterte, PMA Alumni Homecoming, pmaaai, duterte, PMA Alumni Homecoming, pmaaai

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.