August 18, Holiday sa Naga City bilang pagpupugay kay dating DILG Sec. Jesse Robredo

August 16, 2015 - 04:46 PM

 

Inquirer file photo

Idineklara ng Malacañang ang August 18 bilang isang special non-working holiday sa Naga City, bilang paggunita sa ikatlong death anniversary ni dating Interior Secretary Jesse Robredo.

Sa proclamation 1103 na pinirmahan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. deklarado bilang non-working holiday sa buong siyudad ng Naga, kung saan nagsilbi si Robredo bilang alkalde sa loob ng labingsiyam na taon, o mula 1988 hanggang 1998, at 2001 hanggang 2010.

Nakasaad pa sa proklamasyon ang pag-alala sa pagkamatay ni Robredo, na isang mahusay na pinuno at public servant at isang malaking kawalan sa pamahalaan.

Matatandaang ginawaran si Robredo ng iba’t ibang mga parangal, tulad ng ng 2000 Ramon Magsaysay Award for Government Service, na kauna-unahang distinction na ipinagkaloob sa isang Filipino mayor.

August 18, 2012, umalis si Robredo sa Cebu patungo sana ng Naga City upang humabol sa kumpetisyong sinalihan ng kanyang anak.

Gayunman, bumagsak ang Piper Seneca plane na sinakyan ni Robredo sa karagatang sakop ng Masbate, na ikinamatay ng dating DILG chief at ng dalawang iba pa./ Isa Avendaño-Umali

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.