Iginiit ni Environment Secretary Gina Lopez na mas importante ang aniya’y “the quality of life” kaysa sa pagpapatuloy ng pagkasira ng mga kabundukan at watershed areas dahil ilang mining companies.
Ito ang tugon ni Lopez nang inanunsyo ng ilang mining firms ang posibleng pagsasampa ng kasong graft dito dahil sa umano’y hindi pagsunod sa due process nang ipasara ang mahigit dalawamput walong mining firms at pagkansela sa pitumput limang mining contracts.
Paglilinaw ni Lopez, hindi siya anti-mining at sinunod nito ang due process na tumagal ng pitong buwan.
Dagdag pa nito, plano ng ahensiyang magkaroon ng “green economy” at makatulong sa mahihirap na Pilipino na maging produktibo.
Ginagawa lang aniya nito ang kaniyang trabaho at nangakong panghahawakan ang naging desisyon nito.
Sa mga kompanyang nais makita ang audit report, sinabi ni Lopez na bukas ang kaniyang tanggapan upang makita ang lahat ng dokumento.
Giit pa ng DENR Secretary, umapela aniya ang mga tutol sa kaniyang desisyon sa Office of the President dahil magiging pinal lang aniya ito oras na sabihin na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagsisiguro naman ni Lopez, makikipagtutulungan ang ahensiya sa mga kompanya sa tulong ng Social Development and Management Program upang magkaroon ng benepisyo sa mas maraming sektor.
Samantala, nagparating naman ng suporta ang makakaliwang mambabatas kay Lopez kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.