Trillanes no-show sa PMA event, Duterte ikinumpara kay Binay

By Den Macaranas February 18, 2017 - 09:31 AM

Binay-Trillanes
Inquirer file photo

Hindi dadalo si Sen. Antonio Trillanes sa Annual Philippine Military Academy Homecoming sa Baguio City kung saan ay bisita si Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Trillanes ay nasa Bacolod City kung saan ay muli niyang binanatan ang pangulo.

Sa isang media interview, sinabi ni Trillanes na walang ipinag-iba si Duterte kay dating Vice President Jejomar Binay na isang kurap na opisyal ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Trillanes na malaking bahagi ng P2 Billion bank accounts ni Duterte ay kanyang kinuha mula sa sarili niyang intelligence funds noong siya pa ang alkalde sa Davao City.

Idinagdag rin ni Trillanes na bukod sa pagkupit sa intelligence funds ay tumatayong protektor din umano si Duterte ng smuggling, illegal mining at illegal gambling sa Davao City.

Sinabi pa ng opisyal na marami pa siyang mga pasabog laban sa pangulo sa mga darating na panahon.

TAGS: bina, duterte, PMA, trillanes, bina, duterte, PMA, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.