Tiniyak ni Department of Transporation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na hindi na aabutin ng March 10 at muli nang mag-ooperate ang Surigao City Airport na pininsala ng magnitude 6.7 na lindol.
Sa kanyang paliwanag sa pagbubukas ng ikalawang paliparan sa Camarines Sur, sinabi ni Tugade isina-ilalim sa emergency repair project ang Surigao City Airport at sadyang naglaan sila ng dagdag na mga tao para mapadali ang pag-gawa dito.
Tiniyak rin ng opisyal na bagaman minadali ang repair sa paliparan ay hindi naman nila isasakripisyo ang kaligatasan ng publiko.
Nauna nang naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagsasabing sa March 10 pa bubuksan sa publiko ang naturang paliparan.
Dahil sa lakas ng lindol noong nakalipas na linggo ay umangat ang ilang bahagi ng runway at nagkaroon rin ng mga bitak sa gusali ng paliparan.
Sa ngayong ay tanging mga helicopters at barko lamang ang ginagamit ng pamahalaan sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Surigao Del Norte.