Duterte: Magsisilbi akong halimbawa ng malinis na pamamahala
Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ng mas mahigpit na kampanya laban sa katiwalian sa pamahalaan.
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga alumni ng Philippine Military Academy Class of ’67 sa Baguio City, sinabi ng pangulo na siya mismo ang siyang magsisilbing halimbawa ng isang malinis na pamamahala.
Ipinaliwanag pa ng pangulo na ang kanyang tanging kinikita sa pamahalaan ay ang kanyang sweldo bilang pangulo ng bansa.
Kahit kailan ay hindi umano siya makikisawsaw sa mga transaksyon ng pamahalaan na may kaugnayan sa pera.
Ito rin ang kanyang bilin sa kanyang mga anak na nasa pulitika ayon pa sa pangulo.
Nauna nang initusan ni Duterte ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na isapubliko ang kanyang net worth sa gitna ng mga akusasyon ni Sen. Antonio Trillanes kaugnay sa mga umano’y mga nakatagong bank accounts ng pangulo.
Magugunitang sinabi rin ni Duterte na magbibitiw siya sa pwesto kapag napatunayan ni Trillanes na totoo ang kanyang mga lumang akusasyon laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.