Trillanes, binweltahan na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu February 18, 2017 - 05:31 AM

duterte-trillanes1“Bugok at gago siya.”

Ito ang naging bwelta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa alegasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroong laman na P2 bilyon ang kaniyang bank account.

Ayon sa pangulo, hindi siya utusan ni Trillanes na kapag sinabing buksan ang kanyang bank account ay bubuksan niya ito.

Sinabi pa ng pangulo na hindi rin siya boy scout na agad na tatalima s autos ni Trillanes.

Hamon ng pangulo kay Trillanes, sabihan niya ang bangko para buksan ang kanyang bank account.

Kung hindi naman, sinabi ng pangulo na dapat hilingin ni Trillanes sa Anti-Money Laundering Council na sampahan siya ng kaukulang kaso kung talagang kaduda-duda ang laman ng kaniyang bank account.

Samantala, idinaan naman sa harana ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang panibagong pasabog umano ni Senador Antonio Trillanes IV tungkol sa perang laman ng bank account ng pangulo.

Bwelta ni Panelo kay Trillanes, bigyan daw sana ng media ng kahit kaunting pagtingin si Trillanes dahil laos na ito.

Ayon kay Panelo, panay kabalbalan lamang ang ginagawa ni Trillanes.

Apela pa ni Panelo sa mga kagawad ng media, pansinin naman daw ang mga sinasabi ni Trillanes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.