Ginang na nasa drug watchlist ng Brgy. Batasan Hills, QC, patay sa pamamaril

By Jong Manlapaz February 18, 2017 - 05:30 AM

16809989_410434679310964_1709157008_nPatay ang 35-anyos na drug personality na si Cristeta Ramos alyas “Kleng-Kleng,” matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek sa may tapat ng #14 Alton Street, Iwous Compound, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ayon sa nakasaksing si Ruby, kalaro niya ng baraha si Kleng-Kleng sa ikalawang palapag ng bahay, nang biglang dumating ang mga suspek at hinanap ang pangalang Cristeta.

Agad naman daw na sumagot si Kleng-Kleng na sya si Cristeta, na sinundan na ng walang kaabog-abog na pagbuhat sa kaniya ng mga suspek pababa at doon na pinagbabaril hanggang sa masawi.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga hidi nakilalang suspek na pawang nakatakip ang kalahati ng mga mukha.

Pahayag naman ng ilang taga-barangay, kabilang si Kleng-Kleng sa nasa drug watchlist ng barangay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.