Amnesty Int’l PH: Patayan, patuloy pa rin sa kabila ng pag-suspinde sa drug war

By Kabie Aenlle February 18, 2017 - 05:29 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Tuluy-tuloy pa rin ang mga pagpatay ng mga vigilante sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya na itigil na ang giyera laban sa iligal na droga.

Matatandaang inalis na ni Pangulong Duterte noong January 31 sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga na tumagal na ng pitong buwan.

Umabot na sa 2,555 ang bilang ng mga drug suspects na napatay sa kamay ng mga pulis sa drug war ng pamahalaan, habang 3,390 naman na ang napatay sa mga hindi maipaliwanag pa na pagkakataon.

Base sa pinakahuling talaan mula sa pulisya na ibinigay nila sa Agence France-Presse (AFP) kahapon, pumalo naman na sa 4,076 ang bilang ng mga “murder cases under investigation,” pagdating ng February 13.

Ayon sa pinakahuling report ng Amnesty International Philippines, nadagdagan ng 146 na biktima ang bilang na naitala kamakailan kumpara sa naitala noong katapusan ng Enero.

Dahil dito, sinabi ni Wilnor Papa ng Ambesty International Philippines na bumagal lang pero patuloy pa rin ang paglaganap ng extrajudicial killings.

Pareho pa rin na pawang mga taong may kinalaman sa iligal na droga at mahihirap ang mga target ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Sa ngayon aniya, pumapatay ang mga nasabing unknown assailants ng siyam hanggang sampung tao araw-araw.

Mas mababa naman ito kung ikukumpara sa 30 kataong naitalang sabayang napapatay ng mga pulis at vigilante araw-araw, noong nasa kamay pa ng pulisya ang anti-drug operations.

Nitong nakaraang buwan lamang ay naglabas rin ang Amnesty ng isang report kung saan inaakusahan nila ang mga pulis sa sistematikong paglabag sa mga karapatang pantao sa kasagsagan ng drug war.

Bukod dito, sinabi rin sa naturang report na ang mga pulis ay binabayaran ng kanilang mga superiors para pumatay ng mga drug suspects.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.