Aguirre, hindi nanghimasok sa kaso ng DOJ laban kay De Lima

De-Lima-Vitaliano-AguirreIginiit ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na wala siyang kinalaman o hindi siya nanghimasok sa pagsasampa ng Department of Justice (DOJ) ng tatlong kaso laban kay Sen. Leila de Lima na may kinalaman sa iligal na droga.

Ayon kay Aguirre, hindi siya nakialam sa mga kasong ito at na walang iregularidad na nangyari sa nasabing pagsasampa ng mga kaso laban sa senadora.

Nilinaw rin ng kalihim na hindi ito produkto ng pulitika, bagkus ay produkto ng kalakalan ng iligal na droga.

Matatandaang nagsampa na ng kaso ang DOJ laban kay De Lima kahapon sa Muntinlupa Regional Trial Court tungkol sa umano’y pagkakasangkot ng senadora sa kalakalan ng iligal na droga noong siya pa ang kalihim ng DOJ.

Sinabi pa ni Aguirre na ang mga isinampang kaso laban kay De Lima na paglabag sa Republic Act (RA) No. 9165 o Dangerous Drugs Act, Section 5 ay may parusang hanggang 12 taong pagkakakulong, at pawang nonbailable rin.

Samantala, tinawag naman ni Aguirre na iresponsable ang pagsasabi ni De Lima na minamadali ng DOJ ang paglalabas ng warrant of arrest laban sa kaniya.

Read more...