Mga kasong isinampa laban kay De Lima, malakas ayon kay Pangulong Duterte

By Chona Yu February 18, 2017 - 05:25 AM

Duterte-De-LimaNaniniwala ang Pangulong Rodrigo Duterte na malakas ang isinampang kasong may kinalaman sa illegal na droga ng Department of Justice laban kay Senador Leila De Lima.

Ayon sa pangulo, may hawak kasi na mga testigo ang DOJ laban kay De Lima na magpapatunay na malaki ang partisipasyopn nito sa operasyon ng illegal na droga sa New Bilibid Prison.

Sinabi pa ng pangulo na inabot ng ilang buwan ang DOJ sa pag-aaral bago isinampa ang kaso laban kay De Lima.

Bukod dito, sinabi ng pangulo na batid din ng publiko ang partisipasyon ni De Lima.

Dahil dito, pinayuhan na lang ni Duterte si De Lima na harapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.