Isang computer ng Commission on Elections (COMELEC) ang nanakaw sa bayan ng Wao sa Lanao del Sur noong nakaraang buwan.
Kinumpirma mismo ni COMELEC Chair Andres Bautista ang nasbing pagnanakaw sa kanilang gamit sa hindi pa rin malamang kadahilanan o pakay.
Bukod dito, hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Bautista tungkol sa pangyayari.
Sinabi lang ni Bautista na iniulat na ng kanilang executive director na si Jose Tolentino Jr. ang insidente sa National Privacy Commission.
Napag-usapan na rin aniya ito ng COMELEC en banc sa kanilang pagpupulong noong February 8.
Sa kabila naman ng nasabing pagnanakaw, tiniyak ni Bautista na hindi basta-bastang mabubuksan ang data na laman ng nasabing computer dahil encrypted ito at hindi madaling ma-decrypt o ma-access.
Sa ngayon ay inaalam pa aniya nila kung ito ay isang ordinaryong pagnanakaw, o partikular na tinarget ang nasabing computer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.