Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng San Miguel Corp. (SMC) na siyang gagawa sa nasabing MRT-7 project.
Aniya, sarado na ang kasunduan, pero isinasa-pinal pa nila ang ibang detalye tulad ng kung ilang surrenderers ang kukunin nila para mag-trabaho, at kung anong uri ng trabaho ang ibibigay sa kanila.
Sa ngayon aniya ay binubuo na ang isang memorandum of agreement na nakatakdang mapirmahan sa susunod na linggo.
Ayon naman kay Quezon City Police District (QCPD) C/Supt. Guillermo Eleazar, maaring mag-trabaho ang mga surrenderers bilang utility, flagmen o construction workers depende sa kanilang kakayanan.
Nasa 300 surrenderers na aniya ang kanilang na-profile at gagamitin na nila ang mga impormasyong kanilang nakalap para mabigyan ng trabaho o pangkabuhayan ang mga ito sa kanilang lungsod.