Star wagi kontra Ginebra sa Game 5 ng Philippine Cup semifinals

By Kabie Aenlle February 18, 2017 - 05:18 AM

PBA-Images-313Winakasan na ng Star Hotshots ang kanilang series deadlock matapos talunin ang Ginebra Gin Kings sa Game 5 ng semifinal series sa PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.

Dahil sa kanilang panalo sa iskor na 89-80, may pag-asa na silang makalaban sa Finals bitbit ang 3-2 lead matapos makasungkit ang Gin Kings ng back-to-back tie sa series sa 2-2.

Ayon kay Star head coach Chito Victolero, purisigido ang kaniyang mga players na makamit ang gusto nilang mangyari.

Wala aniyang balak magpatalo ang mga ito, at sama-sama silang naging positibo na makakayanan nila ito kahit pa sila ay nasa two-game losing streak na.

Nanguna sa Star si Rafi Reavis, matapos mag-ambag ng 17 points, 13 rebounds, at 2 blocks, habang si Mark Barroca naman ay nakapag-dagdag pa ng 12 points at seven assists.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.