Handa na akong maging ”political prisoner” – De Lima

By Dona Dominguez February 17, 2017 - 05:59 PM

Leila de limaInihanda na ni Senator Leila De Lima ang kaniyang sarili para maging isang “political prisoner” sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Reaksyon ito ni De Lima matapos siyang sampahan ng kasong may kinalaman sa Bilibid drug trade sa Muntinlupa RTC.

Ani De Lima, malinaw namang politically motivated ang mga isinampang kaso laban sa kaniya dahil sa pagiging kritikal niya sa administrasyon.

Sa inilabas na statement ni De Lima, kung ito ang kabayaran ng kaniyang pagkontra sa mga maling pamamalakad ng administrasyon, handa suyang tanggapin ito.

“If the loss of my freedom is the price I have to pay for standing up against the butchery of the Duterte regime, then it is a price I am willing to pay,” ani De Lima.

Nagpahiwatig naman si De Lima na hindi niya basta-basta susukuan ang laban at sa halip sinabi niyang umpisa pa lamang ito.

Ayon sa senador, inihahanda na ng kaniyang mga abogado ang isasampang mosyon sa korte.

 

TAGS: bilibid drug trade, leila de lima, Muntinlupa RTC, bilibid drug trade, leila de lima, Muntinlupa RTC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.