Aide ni dating Sen. Bong Revilla, 12 iba pa, hinatulang guilty ng Ombudsman kaugnay sa PDAF scam

By Dona Dominguez February 17, 2017 - 04:08 PM

Ombudsman11Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na habambuhay nang pagbawalang makapagserbisyo sa gobyerno ang aide ni dating Senador Bong Revilla Jr., at 12 iba pa na sangkot sa pagwawaldas sa pork barrel fund ng senador.

Napatunayang guilty ng Ombudsman sa maling paggamit ng P517 million na pork barrel funds ni Revilla ang dati niyang aide na si Richard Cambe at 12 pang mga dating opisyal mula sa tatlong government corporations.

Ayon sa Ombudsman, guilty ang 13 sa mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, at dishonesty.

Kabilang sa mga pinatawan ng dismissal at ban na makapanilbihan sa gobyerno sina Cambe, Technology Resource Center (TRC) director-general Dennis Cunanan, chief accountant Marivic Jover, budget officer Consuelo Lilian Espiritu; National Livelihood Development Corp. (NLDC) president Gondelina Amata, Gregoria Buenaventura, directors Emmanuel Alexis Sevidal at Chita Jalandoni, project development officer Sofia Cruz, chief budget specialist Ofelia Ordoñez, at Evelyn Sucgang; National Agribusiness Corp. (Nabcor) general services supervisor Victor Roman Cacal at administrative and finance head Rhodora Mendoza. Kabilang din sa parusa ang pagkansela sa kanilang retirement benefits.

At kung sakaling wala na sila ngayon sa gobyerno, pagmumultahin pa sila ng halagang katumbas ng isang taon nilang sweldo. Ang kaso ay may kaugnayan sa paggamit ng PDAF ni Revilla mula 2007 hanggang 2009 para sa mga ghost project sa ilang nongovernment organizations ni Janet Lim-Napoles.

Ayon sa Ombudsman, kakaiba ang bilis sa pagproseso at pag-apruba ng Nabcor, NLDC at TRC officers sa proyekto para agad marelease ang pondo.

TAGS: Bong Revilla Jr, Conchita Carpio-Morales, ombudsman, Richard Cambe, Bong Revilla Jr, Conchita Carpio-Morales, ombudsman, Richard Cambe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.