Sen. De Lima, kinasuhan na ng DOJ kaugnay sa Bilibid drug trade

delima ngangaKinasuhan na ng Department of Justice si Senator Leila de Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court kaugnay sa kalakalan ng droga sa Bilibid.

Tatlong bilang ng kasong paglabag sa Section 26(b) o sale and trading of illegal drugs at Section 28 na may kinalaman sa criminal liability ng isang public officials and employees sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangereous Drugs Act ang isinampa kay De Lima.

Kabilang sa kinasuhan si dating Bureau of Corrections Director Franklin Bucayu. Ang kaso ay isinampa ng DOJ matapos ang isinagawang preliminary investigation noong Disyembre ng nakalipas na taon kaugnay sa reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI), Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala gayundin ng high profile inmate na si Jayvee Sebastian.

Inakusahan si De Lima na kinunsite ang kalakalan ng ng iligal na droga sa bilibid kapalit ng campaign funds noong May 2016 elections.

Itinanggi naman ng dating DOJ Secretary ang akusasyon bagkus sinabing ito ay gawa-gawa lamang ng Duterte administration dahil sa kanyang pagiging kritiko sa mga sinasabing extra judicial killings dahil sa war on drugs ng pangulo.

Read more...