Outbreak ng Chinkungunya, idineklara sa Mlang, Cotabato

By Dona Domiguez-Cargullo February 17, 2017 - 02:50 PM

Dengue_1Idineklara na ng Rural Health Unit (RHU) ang outbreak ng chikungunya sa Mlang, Cotabato.

Ito ay matapos ang pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng sakit sa Barangay Poblacion.

Ayon kay Dr. Glecerio “Jun” Sotea, health officer sa Mlang, hindi bababa sa 50 katao ang tinamaan ng sakit simula lamang noong nakaraang linggo.

Nasuri na aniya ng Regional Institute of Tropical Medicine (RITM) ang blood samples mula sa nasabing mga pasyente at kumpirmadong chikungunya nga ang tumama sa kanila.

Pinangangambahang tumaas pa ang naitatalang kaso ng nasabing sakit dahil marami pa aniyang residente ang nagtutungo sa health center na nakikitaan ng sintomas.

Kabilang sa sintomas ng chikungunya ay lagnat at pananakit ng kasu-kasuan.

Ang nasabing sakit ay nakukuha din sa kagat ng lamok at kadalasang mga may edad ang tinatamaan nito.

Nagsasagawa na ngayon ng fogging ang RHU sa lugar na apektado ng sakit.

Pinayuhan din ang mga residente na panatilihing malinis ang kapaligiran para maiwasan ang pamamahay ng lamok.

TAGS: Chinkungunya, Cotabato, Mlang, outbreak, Chinkungunya, Cotabato, Mlang, outbreak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.