Kung hindi matatanggap ang bagong BBL, MILF, sorry na lang-Sen. Marcos

August 16, 2015 - 02:09 PM

 

marcos iqbalSorry na lamang daw ang Moro Islamic Liberation Front o MILF kung hindi magiging katanggap-tanggap para sa kanila ang substitute bill ng Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Senate Committee on Local Government Chairman Bongbong Marcos na tila naging ‘inflexible’ si MILF chief negotiator Mohagher Iqbal at iginiit lamang ang orihinal at mas gusto nilang bersyon ng BBL.

Binigyang-diin ni Marcos, ginagawa lamang niya ang nararapat para maging legal ang substitute bill ng naturang panukala.

Nanindigan pa si Marcos na hindi maaaring ibalik sa orihinal ang BBL o mapalitan ng isang daang porsyento.

“I’m sorry to hear Chairman Iqbal to be so inflexible, tinitingnan lamang nila yung original. Papaano naman kung unconstitutional,” ani Marcos.

Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos na handa siya na makipagpulong sa MILF hinggil sa substitute bill ng BBL.

Magandang pagkakataon aniya ito para maipaliwanag sa MILF kung bakit pinalitan ang mga probisyon ng BBL.

Bukas, nakatakdang simulan sa plenaryo ng Mataas na Kapulungan ang period of interpellations para sa BBL, kung saan inaasahan na halos lahat ng mga Senador ay sasalang bilang interpellators./ Isa Avendaño-Umali

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.