Paglilitis sa isyu ng travel ban sa US, sinuspinde ng Korte; Trump nangakong babaguhin ang kautusan
Sinuspinde muna ng korte sa US ang paglilits sa kinukwestyong travel ban na ipinag-utos ni US President Donald Trump.
Ito ay matapos na mangako si Trump na magpapalabas siya ng bagong executive order at papalitan ang kaniyang kontrobersiyal na direktiba na nagsususpinde sa pagtanggap ng mga mamamayan mula sa pitong Muslim countries.
Sa isinagawang news conference sa White House, sinabi ni Trump na sa bagong EO, tutugunan ang mga kataungan at concerns ng federal appeals court judges.
Ang orihinal na utos ni Trump na inilabas noong January 27, ay nagresulta ng international protests at reklamo mula sa mga negosyante sa US.
Sa inihaing mosyon sa korte, umapela ang Justice Department na itigil muna ang pagdinig sa 9th US Circuit Court of Appeals.
Sinabi din sa korte ng Justice Department na mababalewala naman ang naunang utos ng Trump administration dahil maglalabas ito ng bago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.