Amihan, bahagya nang humina ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2017 - 12:11 PM

Radyo Inquirer File Photo
Radyo Inquirer File Photo

Bahagya nang humina ang pag-iral ng Amihan at hindi gaanong kalamigan ang naitalang temperatura sa Baguio City at Metro Manila ngayong umaga ng Biyernes (February 17).

Sa datos mula sa PAGASA, kaninang alas 5:00 ng umaga, 21.1 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala sa Science Garden sa Quezon City, kumpara sa 19.1 degrees Celsius na naitala kahapon ng umaga.

Sa Baguio City naman, 12.0 degrees Celsius ang naitalang minimum temperatura ganap na alas 4:50 ng umaga, kumpara sa 8.0 degrees Celsius na naitala kahapon.

Noong Miyerkules, bumagsak pa sa 7.3 degrees Celsius ang temperature sa Baguio City.

Una nang sinabi ng PAGASA na ngayong weekend, hihina ng bahagya ang pag-iral ng Amihan, pero maari namang bumalik pa ang bugso nito sa susunod na linggo.

Habang sa bago matapos ang buwan ng Marso, unti-unti nang magkakaroon ng transition patungo sa panahon ng tag-init./ Dona Dominguez-Cargullo

 

TAGS: baguio city, Metro Manila, Northeast monsoon, Pagasa, Temperature, baguio city, Metro Manila, Northeast monsoon, Pagasa, Temperature

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.