Pito, arestado sa paglalaro ng “tong-its” sa Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2017 - 10:49 AM

TONG ITSBilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na sugal, pitong katao ang inaresto sa Santiago City, Isabela dahil sa paglalaro ng card game na “tong-its”.

Kabilang sa mga dinakip sina Flordeliza Santiago, 60 anyos; Jovita Sapon, 50 anyos; Sonny Diamsay, 48 anyos; Benjie Casil, 47 anyos; Policein Domingo, 53 anyos; Estelita Pelayo, 50 anyos; at Marilyn Grospe, 45 anyos na pawang residente ng Purok 6, Rizal, Santiago City.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ang mga naaresto.

Ayon kay Sr. Supt. Percival Rumbaoa, direktor ng Santiago City Police Office, magtutuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng operasyon laban sa ilegal na sugal.

Aniya, maliit o malaki man ang tayaan, ilegal itong maituturing kung may sangkot na pera.

Kabilang sa mga kadalasang nilalaro ay pusoy, tong-its, bingo at ang illegal numbers game na jueteng.

 

TAGS: isabela, Santiago City, tong-its, isabela, Santiago City, tong-its

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.