2 miyembro ng ISAFP patay sa pananambang sa Marawi
Dalawang miyembro ng Intelligence Service of Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang patay, habang isa naman ang sugatan matapos tambangan ng mga hinihinalang terorista ang sa Marawi City.
Nagsasagawa ng intelligence operations ang mga sundalo nang pagbabarilin ng mga suspek ang sports utility vehicle (SUV) sa Barangay Lillud Madaya, ayon kay Army spokesperson Col. Benjamin Hao.
Ang mga nasawing sundalo ay sina Major Jerico Mangalus at Corporal Bryan Libot, habang ang sugatang sundalo ay si Corporal Rolando Cartilla.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.
Samantala, nakatakda namang magtungo si Pangulong Duterte sa burol ng dalawang sundalo na nasawi sa pakikipagbakbakan sa NPA sa Davao City.
Magtutungo ang pangulo sa Gymnasium sa Panacan, Davao City para personal na makiramay sa pamilya nina Corporal Michael Yadao at Private Virnel Damondon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.