Magnitude 3.8 na lindol naitala sa Surigao City

Feb 17 AftershockNiyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Surigao City ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, bahagi pa rin ito ng afterschock ng magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Surigao Del Norte noong Biyernes.

Naitala ang pagyanig sa 37 kilometers North ng Surigao City alas 8:16 ng umaga.

Wala namang naitalang intensity bunsod ng nasabing pagyanig.

Kaninang alas 6:59 ng umaga, may naitala ring magnitude 2.8 na lindol sa bahagi naman ng 4 kilometers South ng Surigao City.

 

 

Read more...