WATCH: Dalawang magkasunod na sunog, sumiklab sa Pasay City
Dalawang magkasunod na sunog ang sumiklab sa Pasay City mula madaling araw ng Biyernes (February 17).
Unang tinupok ng apoy ang isang bodega sa bahagi ng Taft Avenue Extension, Pasay City.
Nasunog ang isang gusali na ginagamit na bodega sa likuran lamang ng Baclaran LRT Station.
Ayon sa mga nagtitinda sa lugar, nagkaroon muna ng pagsabog sa SGS Building bago sumiklab ang apoy.
Nagsimula umano ang apoy sa helera ng mga tiangge sa lugar pasado ala una ng madaling araw.
Umabot sa 3rd alarm ang sunog at naideklarang fire out pasado alas singko ng umaga.
Nasa P50,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa bahagi ng Davit Street, Brgy. 23, Buendia Pasay City.
Nagsimula ang sunog sa isang residential area alas 5:20 ng umaga na umabot sa ikaapat na alarma.
Wala umanong kuryente ang bahay na pinagmulan ng sunog kaya gumagamit ng kandila ang mga nakatira dito.
Naideklara namang under control ang sunog bago mag alas 6:30 ng umaga.
WATCH: Wala umanong kuryente ang bahay na pinagmulan ng sunog kaya gumagamit ng kandila ang mga nakatira dito | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/2QhyRs7gBs
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 16, 2017
WATCH: Umabot sa 4th alarm ang sunog at naideklarang fire out bago mag alas 6:30 ngayong umaga | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/HBdyRwA4Ug
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 16, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.