Ayon kay Lopez, wala pa naman silang nakikitang ‘spillover effect’ ng mga kaganapan sa sektor ng pagmimina sa iba pang industriya at maging sa general investment climate sa Pilipinas.
Naniniwala rin si Lopez na bagama’t kailangang isulong ang paglaganap ng pagnenegosyo, ay hindi naman dapat isinasakripisyo ang kalikasan.
Gayunman, dapat din aniyang bigyan ng kaukulang pagkakataon ang mga nasa mining sector na makasagot sa akusasyon at hindi agad dapat biglaang isinasara ang usapin.
Ang naturang isyu aniya ay ipinarating na rin nila at ng iba pang miyembro ng Gabinete kay Environment Secretary Gina Lopez.