Higit 70 patay, 150 sugatan sa suicide bombing sa isang shrine sa Pakistan

By Jay Dones February 17, 2017 - 04:18 AM

 

pakistan-bombing-shrine-170216Umakyat na sa 72 ang bilang ng namatay sa pagpapasabog ng isang suicide bomber sa isang shrine o dambana sa bansang Pakistan.

May pangamba pa ang mga otoridad sa posibilidad na madagdagan ang naturang bilang dahil umaabot sa 150 pa ang sugatan sa insidente.

Naganap ang pagpapasabog sa mataong lugar ng Lal Shahbaz Qalandar shrine sa bayan ng Sehwan Sharif.

Isang suicide bomber ang bigla na lamang pumasok sa loob ng naturang dambana na puno ng mga tao at pinasabog ang kanyang sarili.

Agad namang kinondena ni Pakistan Prime Minister Nawaz Sharif ang pinakahuling insidente ng pambobomba.

Inako naman na ng Islamic State ang madugong pagpapasabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.