Pres. Duterte, magre-resign kung mapatutunayan ni Trillanes na may P2-bilyon siya sa bangko
Nagpahayag ng kahandaan si Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw sa puwesto kung mapapatunayan ni Senador Antonio trillanes IV ang mga ipinupukol nitong alegasyon laban sa kanya.
Sa isang taped statement, hinamon ni Pangulong Duterte si Trillanes na patunayan ang bintang na mayroon siyang higit 2 bilyong piso sa bangko na nasa ilalim ng kanyang pangalan, agad siyang magbibitiw bilang pangulo.
Giit pa ni Duterte, dapat na maghain na lamang ng kaukulang reklamo sa korte ang senador sa halip na magsalita.
Dinepenshan rin ni Pangulong Duterte ang kanyang common law wife na si Honeylet Avanceña na inakusahan rin ni Trillanes na may mga nakadepositong malaking halaga ng pera sa bangko.
Aniya, isang negosyante si Honeylet at may mga negosyanteng naipundar sa Davao City.
Maging ang kanyang anak aniya na si mayor Sarah Duterte ay isang abugada at kumikita sa kanyang practice.
Tinawag pang ‘ambisyoso’ at ‘tulisan’ ni Pangulong Duterte si Trillanes at inalala pa ang mga pangyayari noong panahon ng Oakwood mutiny kung saan napabilang si Trillanes.
Una rito, inakusahan ng senador si Pangulong Duterte at maging ang mga miyembro ng pamilya nito na mayroong higit 2 bilyong pisong pera sa bangko na naipon ng mga ito noong panahong alkalde pa ang pangulo sa Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.