VM Paolo Duterte sa tinawag niyang ‘ugok senator’ : ‘Rot in Hell’

 

Tinawag na ‘ugok’ ni Presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang senador na umano’y muling nagpapalipad ng mga alegasyon laban sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte at kanilang pamilya.

Malinaw na pinatutungkulan ni vice mayor Duterte si Senador Antonio Trillanes IV na nagsiwalat na hawak niya ang mga bank transactions umano ng pangulo at pamilya nito na makapagpapatunay na may bilyun-bilyon sa bangko ang mga ito.

Sa isang statement, iginiit ni vice mayor Duterte na kung talagang mayroon silang milyones sa bangko, agad niya itong ibibigay sa mga biktima ng lindol sa Surigao del Norte.

Dapat din aniyang magpasailalim na sa psychiatric test ang naturang senador dahil malinaw na may problema sa pag-iisip ang mambabatas.

Dati na rin siya aniyang inakusahan nito na gumagamit ng iligal na droga.

Hinamon din nito ang senador na magbitiw na sa puwesto dahil sa wala nang naniniwala dito.

“Kung gusto mo magresign Senator Ugok, magresign ka na. Huwag ka na madami pang dahilan. You are a useless senator and the people of the Philippines no longer believe you. You can rot in hell for all we care!”, mensahe pa ng bise-alkalde.

Read more...