Ex-mayor, apat na iba pa, arestado dahil sa droga

By Ruel Perez February 17, 2017 - 04:00 AM

 

drugsArestado ang dating alkalde ng Arayat, Pampanga at incumbent Barangay Chairman kasama ang tatlo pang ibang kasamahan sa isinagawang law enforcement operations ng pinagsanib na pwersa ng Pampanga CIDG, PNP SAF at Arayat PNP sa may Alonzo Subdivision, Barangay Cacutod, Arayat, Pampanga.

Sa report na isinumite ni PSSupt. Edwin Quilates, PNP Region 3 Chief kay PNP CIDG Chief PDir. Roel Obusan, bago pa man isinilbi ang search warrant sa target na subject na nakilalang si Luis Espino dating alkalde ng Arayat Municipal Mayor tumangging buksan ang gate ng kaniyang bahay at pinatay pa ang mga ilaw sa kaniyang compound at saka nagpaputok sa mga pulis na ikinasugat ni PO2 Robert Rob Fernandez at SPO1 Joy Venturillo.

Nagkaroon nang isang oras na labanan sa pagitan ng mga pulis at ng dating alkalde kasama ang kaniyang mga private armed groups o PAGs.

Nakilala ng PNP ang mga nakalabang PAGs na si Rosendo Dizon incumbent Barangay Chairman ng Barangay Cacutod, Cesar Peralta, Romy Mallari at Rosauro Dillera.

Sa isinagawang search operations ng mga raiding team tatlong granada ang narekober, 2 rifle grenades, 1 caliber 5.56, 3 caliber 45 pistols, caliber 9MM pistol mga magazines ng ibat ibang calibre ng armas, 19 na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P450,000 mga drug paraphernalia ang kanilang narekober.

Kasalukuyang ginagamot na sa ospital ang dalawang sugatang pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.