Marcos power, buhay pa rin-Sen. Bongbong

August 16, 2015 - 01:48 PM

 

Aug 11 Marcos inq file photoKumpiyansa si Senador BongBong Marcos na malakas pa rin ang hatak ng “Marcos” sa bansa.

Sa panayam ng Nueve Noventa Report ng Radyo Inquirer, tiwala si Marcos na maraming susuporta sa kanyang posibleng kandidatura sa 2016 Elections dahil sa kanyang pagiging “Marcos.”

Sinabi ng Senador na may grupo ang hindi bumibitiw sa pagsuporta sa buong Pamilya Marcos at handang tumulong sa kanyang political bid sa halalan.

Ang bagay na ito aniya ay kanyang ipinagpapasalamat, lalo’t hindi naman lingid sa mga Pilipino ang kanilang naging nakaraan.

“Palagay ko maraming pa talagang nagsusuporta sa Pamilya Marcos at ako’y nagpapasalamat. Hindi naman nababanggit ang pangalan ko kung hindi nakikita na may suporta, may grupo na kung ako man ay tatakbo, ay nandyan tutulong sa kandidutura ko. So yes! Malakas ang kumpiyansa ko, maraming susuporta dahil ako ay Marcos,” inihayag ng Senador.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na sa kanyang plano para sa eleksyon, kailangan niya ng suporta ng taumbayan na naniniwala sa kanyang kakayahan, at hindi lamang bagkus anak siya nina Dating Pangulong Ferdinand Marcos at Congresswoman Imelda Marcos.

Inamin naman ni Marcos na ang kanyang pagpapasya para sa 2016 polls ay ang pinakamahalagang desisyon na gagawin niya sa kanyang buhay.

Sa kasalakuyan aniya, ina-assess din daw niya ang posibilidad na tumakbong Bise Presidente o pag-aralan na rin na sumabak sa Presidential race./ Isa Avendaño-Umali

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.