Duterte handang isapubliko ang kanyang bank accounts
Maaaring ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang transaction history ng kanyang mga deposito sa bangko.
Ito ay kasunod ng pagbunyag ni Sen. Antonio Trillanes IV ang umano’y P2 Billion ni Duterte sa kanyang bank accounts.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ilalabas ng pangulo ang kanyang bank transaction history kung kinakailangan at kung idadaan sa due process.
Pero hindi aniya ito ilalabas ng pangulo bilang tugon sa alegasyon ni Trillanes.
Sinabi pa ni Abella na rehashed lamang ang mga inilabas na isyu sa bangko ng pangulo.
Binalaan pa ng opisyal si Trillanes na mag-ingat sa pag-aakusa kay Pangulong Duterte na nangungurakot.
Samantala, sa isang press conference sinabi ni Trillanes na handa siyang mag-resign bilang senador kung mapapatunayan ni Duterte na mali ang kanyang mga pahayag.
Matatandaang ilang araw bago ang May 9, 2016 elections, inilabas ni Duterte ang ending balance ng kanyang bank account sa BPI pero hindi ang kanyang bank transaction history.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.