Robredo bibisita sa mga biktima ng lindol sa Surigao Del Norte
Dadalaw bukas, araw ng Biyernes si Vice President Leni Robredo sa mga lugar na sinalanta ng 6.7 na lindol sa Surigao Del Norte.
Kabilang sa bibisitahin ni Robredo ang mga naapektuhang residente sa Brgy. Poblacion, San Francisco, Surigao Del Norte at mga pasyente sa Caraga Regional Office.
Nakatakda ding makipag-pulong si Robredo sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, mga lokal na opisyal ng Surigao provinces at ang Philvolcs para mag turn-over ng mga rescue equiptment.
Umaasa naman ang Office of the Vice President na makikisama ang panahon bukas para matuloy ang biyahe ni Robredo sa Surigao Del Norte.
Hindi naman binanggit sa kanilang advisory kung magbibigay ng relief goods ang pangalawang pangulo sa mga biktima ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.