Trillanes hinamon ni Cayetano na maglabas ng ebidensiya P2.2 Billion ni Duterte

By Den Macaranas February 16, 2017 - 03:30 PM

Cayetano trillanes
Inquirer file photo

Tinawag ni Sen. Alan Cayetano na “desperado” si Sen. Antonio Trillanes.

Sinabi ni Cayetano na pupulutin sa basurahan ang mga bintang ni Trillanes na may itinatagong P2.2 Billion na secret bank account si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaninang umaga ay nagpatawag ng press conference si Trillanes kung saan ay kanyang binuhay ang dating akusasyon kaugnay sa sinasabing mga tagong-yaman ng pangulo.

Ipinaliwanag ni Cayetano na noon pang panahon ng eleksyon inilutang ni Trillanes ang nasabing isyu at naglabas na rin ang waiver ang pangulo na handa siyang ipakalkal ang mga sinasabing account ng mambabatas.

Dagdag pa ni Cayetano na naglabas na noon ng certification ang Bank of Philippine Islands na walang ganoong kalaking bank account sa kanila ang pangulo kaya nagtataka siya sa kung ano ang tunay na motibo ni Trillanes sa muling pagbuhay sa isyu.

Bilang isang halal na opisyal ng bansa, sinabi ni Cayetano na dapat alam ni Trillanes na nasa nag-aakusa ang tinatawag na “burden of proof” para patunayan ang kanyang mga bintang.

TAGS: bank account, bpi, Cayetano, duterte, trillanes, bank account, bpi, Cayetano, duterte, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.