Davao City Mayor Duterte handang mamimigay ng P121 Million

Sara Duterte1
Inquirer file photo

Nakahanda si Davao City Mayor Sara Duterte na magbigay sa publiko ng P121 Million kapag napatunayan ni Sen. Antonio Trillanes na mayroon siyang ganoong kalaking deposito sa bangko.

Reaksyon ito ng alkalde sa muling pagbuhay ni Trillanes sa umano’y ill-gotten wealth ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang press conference kaninang umaga, sinabi ni Trillanes na may sikretong bank account ang alkalde na P121 Million, umaabot sa P104 Million ang kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte samantalang P143 Million naman kay Sebastian o Baste Duterte.

Sinabi rin ni Trillanes na may deposito sa bangko na P181 Million ang common-law wife ng pangulo na si Honeylet Avanceña.

Sa kanyang pahayag kanina ay hinamon pa ng mambabatas ang pangulo na patunayan na mali ang kanyang mga akusasyon bagay na pinagtawanan ng Davao City mayor.

Sinabi ng alkalde na luma na ang mga akusasyon ni Trillanes sabay ang pagbibigay paalala na dapat ang nag-aakusa ang siyang maglabas ng mga patunay na tama ang mga inilabas niyang akusasyon.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na isang uri lamang ng mahinang political noise ang ginagawa ni Trillanes na naglalayong siraan lamang ang kasalukuyang pamahalaan.

Read more...