30 arestado sa sinalakay na cybersex den sa QC

By Jong Manlapaz February 16, 2017 - 09:29 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Aabot sa 30 indibidwal ang inaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Operations Unit at Anti-Cybercrime group.

Ayon kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, modus ng sinalakay na cybersex den sa Old Balara sa Quezon City ang manghikayat ng mga dayuhan na mag-sign up sa kanilang porn site.

Permit para sa internet café ang inaplayan ng kumpanya para sa nasabing opisina kaya inaprubahan ito ng barangay.

Bigo naman ang mga otoridad na abutan sa lugar ang target ng warrant na namumuno sa cybersex den.

Kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.

 

TAGS: 30 persons arrested, cybersec, old balara, quezon city, 30 persons arrested, cybersec, old balara, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.