Red rainfall warning, nakataas sa mga lalawigan sa Davao Region dahil sa malakas na buhos ng ulan

Red Rainfall(UPDATE) Itinaas na ng PAGASA ang red warning level sa mga lalawigan sa Davao Region dahil sa malakas na buhos ng ulan na nararanasan doon sa nakalipas na ilang oras.

Sa abiso ng PAGASA alas 9:40 ng umaga, red rainfall warning ang umiiral sa Davao City, Davao Occidental, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental, Surigao del Sur, Compostella Valley at Agusan del Sur.

Binalaan ang mga residente sa mga nasabing lugar ng seryosong pagbaha sa at posibleng landslides sa bulubunduking lugar.

Orange warning level naman ang umiiral sa mga lalawigan ng Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Sarangani, General Santos City, Cotabato City, South Cotabato, North Cotabato, Maguindanao, at Sultan Kudarat.

Ayon sa PAGASA maari ding makaranas ng pagbaha at landslides sa nasabing mga lalawigan.

Samantala, yellow warning level naman ang nakataas sa Zamboanga Peninsula, Misamis Occidental, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

 

 

 

 

Read more...