Pumalo sa pinakamataas na antas ang halaga ng perang pinadala ng mga Overseas Filipino Workers noong nakaraang Disyembre ng 2016.
Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa 2.56 bilyong dolyar ang ipinadalang pera ng mg OFW na nakabase sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa kanilang mga kamag-anak dito sa bansa.
Ito ayon sa BSP ang pinakamalaking monthly inflow cash remittance na naitala sa kasalukuyan.
Katumbas ito ng 3.6 porsiyentong pagtaas mula sa naitala noong taong 2015 na nakapagtala lamang ng $2.47 bilyong dolyar sa kaparehong buwan.
Malaking bulto aniya ng perang pumasok sa bansa ay mula sa mga OFW na nakabase sa Japan, Qatar at Amerika.
Sa kabuuan ng taong 2016, pumalo sa 26.9 na bilyong dolyar ang perang pumasok sa bansa na nagmula sa mga OFW na mas mataas ng limang porsiyento kumpara noong 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.