Mga misis, hindi dapat sisihin sa pagiging kotongero ng kanilang mga pulis na mister-psychiatrist
Hindi raw dapat sinisisi ng mga pulis ang kanilang mga misis sa tuwing masasangkot ang mga ito sa mga kaso ng pangongotong.
Ito ang sinabi ni Dr. Jessy Ang, isang psychiatrist na eksperto sa pagbibigay ng therapy sa mga nakakaranas ng post traumatic stress disorder.
Ayon kay Dr. Ang, walang katotohanan ang mga haka-haka na dahil sa pagiging materyalistiko ng kanilang mga misis ay napipilitang maghanap ng ekstrang kikitain ang mga alagad ng batas.
Ang naturang hakbang aniya ay isang uri ng paghahanap ng masisisi sa tuwing nagkakamali o ‘scapegoatism’.
Dapat aniyang akuin ng mga pulis ang kanilang pagkakamali at harapin ang mga parusa na kaakibat nito sa halip na ibunton ang sisi sa iba.
Matatandaang noong nakaraang mas wedding na ginanap sa Camp Crame ng mga police personnel, sinabi ni PNP Chief Ronald dela Rosa sa mga misis na huwag masyadong maging ‘materialistic’ dahil ito ang nagiging ugat ng korupsyon ng mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.