OSG todo-depensa sa hirit na pagpapa-acquit kay Napoles

February 16, 2017 - 04:26 AM

 

Jose CalidaIpinagtanggol ng Office of the Solicitor General ang hirit nito sa Court of Appeals na i-acquit si pork barrel scam suspect Janet Lim Napoles sa kaso nitong serious illegal detention laban sa whistleblower Benhur Luy.

Sa harap ito ng inaning negatibong reaskyon sa kanilang manifestation ng mga netizens.

Paliwanag ni Solicitor General Jose Calida, hindi nila proactive na hiniling na absweltuhin si Napoles dahil ang ginawa nila ay ang sumagot lamang sa liham ng Court of Appeals na humihingi ng opinyon tungkol sa nasabing kaso.

Base sa kanilang pag-aaral sa mga ebidensya sa kaso, kabilang ang mga testimonya ng mga saksi at mga cctv footage sa diumano’y rescue kay luy sa bahay ni Napoles, nagkamali ang Makati Regional Trial Court sa kanilang naging desisyon sa nasabing kaso.

Marami din aniyang pagkakataon si Luy na tumakas pero hindi niya nito ginawa.

Dagdag ni Calida, malinaw din sa  isang liham at mga unang pahayag ni Luy na hindi siya dinukot at binihag.

Iginiit ni Calida na bagamat sangkot si Napoles sa pork barrel scam hindi niya hahayaan na malapastangan ang katarungan ang makulong ang inosente kahit sino man ito.

Nanindigan naman si Calida na walang lihim na kasunduan ang SolGen kay Napoles at ang kanilang opinyon ay walang kinalaman sa iba pang nakabinbin nitong kaso partikular ang  pork barrel scam.

Una nang hinatulan ng Makati Regional Trial Court si Napoles ng habambuhay na pagkabilango dahil sa nasabing kaso.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.