Palasyo, tiniyak na mabibigyan ng due process ang mga ipinasasarang mining company

MiningTiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na makakukuha ng patas na proseso ang mga mining company na ipinasasara ni Environment Secretary Gina Lopez.

Sinabi ni Presidential Legal chief Secretary Salvador Panelo na bagama’t may inilabas na closure order at cancellation of contract sa 75 mining contract, hindi pa ito pinal.

Ayon kay Panelo, magagamit ng mga mining company ang lahat ng legal na remedyo.

Inihayag ni Panelo na maaaring maghain ng motion for reconsideration ang mga mining company sa desisyon ng DENR.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mag iisyu ang DENR ng show cause order sa mga mining company at binibigyan ng pitong araw na sagutin ang kautusan.

Read more...